Atapang Apóstol!: San Bartolome Parish Church ng Malabon at ang Katipunan
Unang pagkakataon naming nakapag-simba sa Simbahang Parokyal ng San Bartolome ng Lungsod ng Malabon nitong nakaraang Sabado. Nagkataong nasa ika-limang araw ng nobena para sa paparating na kapistahan ni San Bartolome, ang patron santo ng naturang lungsod. Paghahanda sa papasok na kapistahan ni San Bartolome sa Malabon (BMArellano, 19 Aug 2023) Naitaguyod ang simbahan bilang visita ng Tondo noong 1599 sa ilalim ng mga Prayleng Agustino. Taong 1614 nang naging parokya ito sa ilalim ng patronahe ni San Bartolome Apóstol, isa sa mga 12 disipulo ni Hesukristo. Sinimulang itinayo ang batong simbahan noong 1622 sa ilalim ni Fr. Diego de Robles, nadagdagan ang transcept naman noong 1835, ang dagdag na gilid at media naranja (dome) noong 1854. Samantala, ang mala-Griyego Romanong facade at ang kambal na kampanaryo nito ay itinayo noong 1861 sa ilalim ni Luciano Oliver. (Gallende, 1994, p. 40-42) Ang huling dagdag na ito ang siyang nagdala sa pagiging namumukod-tanging simbahan na ganito an